Ang coal ang pinakamalakas magbuga ng polusyong karbon sa lahat ng uri ng fossil fuel, at ito ang dahilan ng 41% ng kabuuang emisyon ng fuel sa buong mundo noong 2023.Upang matugunan ang problemang ito, ilang mga panukala ang lumitaw upang isara ang mga planta ng coal nang mas maaga sa pamamagitan ng paglikha ng carbon credits mula sa mga hakbang na ito bilang insentibong pinansyal.
Gayunpaman, ang ganitong paglikha ng carbon credits ay may kaakibat na kapansin-pansing mga panganib, na tinatalakay nang detalyado sa kasamang Carbon Market Watch briefing. Iba’t ibang inisyatiba ang nagsusumikap na isulong ang konseptong ito sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pamamaraan (methodology) – ang mga balangkas na nilalayong tiyakin ang pangkapaligirang integridad at patas na pakinabang sa lipunan ng mga nalikhang credits.
Ang briefing na ito ay batay sa pananaliksik na isinagawa ng Oeko-Institut, na pinondohan ng Carbon Market Watch. Sistematikong sinuri ng Oeko-Institut ang higpit at kalidad ng pamamaraang VM005 ng Verra, ‘Accelerated retirement of coal-fired power plants using a just transition’ kasama ang mga kaugnay nitong module na VMD0060 (combined baseline and additionality) at VMD0061 (just transition requirements), na sama-samang kumakatawan sa pinaka-advanced na pamamaraan sa VCM na naglalayong lumikha ng carbon credits mula sa maagang pagsasara ng mga planta ng coal.


