Ang mga coal transition credit ay pino-promote bilang bagong paraan upang pondohan ang maagang pagsasara ng mga coalfired power plant (CFPP) sa Timog-Silangang Asya. Simple ang ideya: isara nang maaga ang isang planta ng coal, kwentahin ang mga naiwasang mga emisyon, at gawin itong carbon credits na maaaring ibenta sa mga boluntaryo o regulatoryong merkado. Ayon sa mga tagataguyod nito, maaari itong magbukas ng pribadong pondo para mabawasan ang mga emisyon sa sektor ng enerhiya, pondohan ang kompensasyon sa mga investor, at suportahan pa ang makatuwirang transisyon (just transition) para sa mga manggagawa at komunidad. Gayunpaman, napakakomplikado ng pagpapatupad nito at may kaakibat na malalaking panganib.
Tinatalakay ng ulat na ito kung ang coal transition credits ay maaaring magkaroon ng makabuluhang papel sa Timog-Silangang Asya, batay sa pagsusuri ng mga pag-aaral at sa survey ng 10 eksperto mula sa iba’t ibang organisasyon. Ipinakita ng resulta ng survey ang malawakang pag-aalinlangan tungkol sa coal transition credits bilang isang mapagkakatiwalaan o epektibong paraan upang protektahan ang klima.

